-- Advertisements --

Nagbigay na ng kanyang panig ang aktor na si Baron Geisler patungkol sa napabalitang nabilanggo ito Mandaue City, Cebu noong Sabado, Pebrero 22, 2025.

Ayon sa aktor sa pamamagitan ng kanyang official Facebook post na pinunto nito nga isang malaking “misinformation” daw ang kumakalat online ang pagbabalita sa Cebu sa nangyari.

Dahilan daw nagdulot ito ng kalituhan kaya kumunsulta na siya sa kanyang mga abogado upang aksyonan ito sa legal na proseso.

Pinasasalamatan din ng aktor ang kaniyang mga tagasupporta na patuloy na sumisimpatya sa kanyang personal na buhay.

Ngunit, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Police Lt Col Mercy Villaro, ang tagapagsalita ng Mandaue City Police Office (MCPO), kinumpirma nito ang pagka-detain sa aktor sa isa sa kanilang istasyon at totoo umanong nangyari at hindi fake news.

Binigyang diin din nito na ang kumakalat na mugshot ng aktor kay totoo at hindi edited, salungat sa mga nagsasabi na lumang larawan ito.

Sapagkat kasama ito sa proseso ng pulisya upang makabayad ng multa at makauwi na ang aktor.

Idinetalye ulit ni Police Lt Col Villaro na ang nangyari ay alinsunod sa hakbang ng kanilang pulisya sa nasasakupang police district.

Matatandaan na na-detain ang aktor ng ilang oras dahlia sa “drunkeness” na isang violation sa City Ordinance ng Mandaue City, Cebu na may kaukulang multa na P500.