Tatlong selebrasyon ang pinaghahandaan ni Baron Geisler ngayong taon bagama’t hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic sa bansa.
Ayon sa 38-year-old actor, ito ay ang church wedding nila ng misis, gayundin ang binyag ng kanilang first baby na isasabay na sa first birthday celebration.
“Kaso ‘yon nga, walang mass gathering and we have to obey the rules. But let’s see how we can still do that safe lahat. Baka ‘yung mga ninong o abay naka-zoom lang hawak-hawak nila yung mga tablet nila, di ba? Ganun na lang siguro,” saad ni Geisler sa push.
Setyembre 2019 nang ganapin ang civil wedding ni Baron sa noo’y one year girlfriend niyang si Jamie Marie Evangelista na sinasabing isang psychologist.
Sunod nito ang pagsailalim niya na sa training bilang military reservist.
Matatandaang madalas masangkot sa kontrobersya si Baron kasabay ng pagiging labas-masok sa rehab center dahil umano sa pagiging alcoholic.
Ilan din sa mga aktres na nag-akusa noon ng pambabastos laban kay Baron ay sina Yasmien Kurdi, Julia Clarete, at Cherrie Pie Picache.