CAUAYAN CITY- Nag-viral sa social media ang barung-barong Miniature na obra ng isang kabataang artist mula sa Diffun, Quirino.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Macdaryll Malto, isang UP Baguio Fine Arts student, residente ng Diffun, Quirino ibinahagi nito na isa sa requirement ng isa niyang subject sa kanilang kurso ang paggawa ng miniature at kaniyang itinampok ang mga napapanahong social issues.
Gawa ang kanyang obra ng mga recyclable materials na ginamitan ng mga pandikit at pintura
Sinisimbolo ng nasabing art work ang kahalagahan ng edukasyon, kahalagahan ng pagtutulungan at pagiging responsable ng isang lider.
Sinabi ni Malto na masaya siya at makagawa ng barung-barong miniature na magsisilbing eye opener sa publiko may kaugnayan sa nararanasang kahirapan sa bansa.
Wala din siyang intensyon na haluan ng pulitika ang kaniyang obra bagamat makikita sa kanyang Miniature na simbolo ng kahirapan na ginagamit sa pangangampanya ng mga politiko.
Mensahe naman nito sa mga kapwa kabataan na maging malaya sa pagsasabi ng mga hinaing at opinyon sa mga napapanahong usapin sa pamamagitan ng ibat ibang paraan ng pagpapahayag at para mahimok ang mga pinuno ng pamahalaan na manilbihan ng tapat at maging responsable sa kanilang tungkulin.