-- Advertisements --
image 757

Muling pinaalalahan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang lahat ng mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Ayon sa LTFRB , hindi maaaring tanggihan ng mga ito ang folded o nakatuping polymer banknotes at mga baryang pamasahe ng mga pasahero.

Ang pahayag na ito ay kaugnay pa rin sa mga reklamong natatanggap ng kanilang opisina hinggil sa mga kundoktor at tsuper na hindi tinatanggap ang nakatuping 1,000 polymer banknotes at mga centavo coins.

Kung maaalala, inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong disenyo ng bill dahilan upang mabahala ang ilang Pilipino.

Sinabi kase noon ng Central Bank na hindi ito maaaring tupiin .

Kaugnay ng reklamo ay naglabas ang LTFRB ng Board Resolution No. 062 series 2023 na nag-aatas sa mga tsuper , konduktor at operator na huwag tanggihan ang mga centavo coin at polymer banknotes.

Batay sa resolusyon, ang nakatuping polymer banknotes at centavo coins ay legal paring pambayad ng mga pasahero .

Kapag lumabag sa kautusan, maaari silang maharap sa kaukulang parusa na naaayon sa polisiya ng LTFRB.

Nagpaalala naman ang pamunuan ng ahensya sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan na dumulog sa kanilang tanggapan kung maka encounter sila ng mga driver at konduktor na tumatanggi sa polymer banknotes at centavo coins.

Top