Iminumungkahi ngayon ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. na sumailalim sa mandatory drug testing ang lahat ng miyembro ng Kamara.
GInawa ni Barzaga ang naturang pahayag sa organizational meeting ng House committee on dangerous drugs nitong araw.
“I would like to inform the body that I would be filing a resolution requesting that all the members of the House of Representatives be subjected to random drug testing,” ani Barzaga.
Bukod sa mga kongresista, nanawagan din si Barzaga sa DILG na maglabas ng memorandum na nag-oobliga sa lahat ng mga governors, mayors, at hanggang sa barangay level na sumailim din sa drug testing.
Sa pamamagitan ng drug testing ayon kay Barzaga maiababalik ang tiwala ng publiko sa mga public officials.
Sinuman kasi aniya ang tumutol na sumailalim dito ay hindi ligtas sa hinala ng publiko na sangkot ang mga ito sa iligal na droga.
“If you are a drug dependent and you refuse to submit yourself to a random drug testing, the presumption arises that your refusal is based on the fact that you are a drug dependent, and that would not be acceptable in court,” dagdag pa nito.