-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Basco, Batanes nitong gabi ng Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol ay nakita sa 40 kilometers ng northeast ng Basco, Batanes.

Naitala ito 9:40 ng gabi ng Marso 26 na isa umanong tectonic in origin at may lalim na 29 kilometers.

Nagbabala pa ang nasabing ahensya ng pagkakaroon ng mga aftershocks.