-- Advertisements --

Binuksan na ng Japan ang mga baseball games matapos ang paghinto ng mahigiti tatlong buwan na pagtigil dahil sa coronavirus pandemic.

Pinaiksi na nila ang mga laro na mula sa dating 143 ay ginawa na nila ito ngayon na 120.

Magtatapos naman ang nasabing season sa Nobyembre 7 na susundan ng post-season play.

Gaganapin ang mga laro sa open-air stadiums sa Tokyo at Yokohama habang ang apat ay sa domed facilities ng Tokyo, Osaka, Fukuoka at Saitama prefecture sa northwest Tokyo.

Hindi naman maitago ni Yokohama BayStars manager Alexander Ramirez ang kaniyang kasabikan at kasiyahan sa pagbabalik na ng mga laro.