Sinimulan na ng South Korea ang kanilang baseball games.
Naging kakaiba ngayon ang pagbubukas ng Korean Baseball Organisation (KBO) dahil kung dati-rati ay punong-puno ng mga tao ang Munhak Baseball Stadium, ngayon ay bakante dahil sa epekto pa rin ng coronavirus pandemic.
Naglagay na lamang sila ng mga banners sa bakanteng bleachers kung saan nandoon ang mga larawan ng mga fans na nakasuot ng face mask.
Ipinalabas na lamang ang nasabing baseball match sa kanilang national television.
Maraming fans naman ang nadismaya dahil ito ang unang beses na hindi sila makapanood ng live sa nasabing mga laro.
Dalawang beses na kinukuhanan ng temperatura ang mga manlalaro at pinagsusuot sila ng mga face mask paglabas ng playing court.
Mayroon na kasing mahigit 10,000 ang nadapuan ng coronavirus sa nasabing bansa.