Pumanaw na ang baseball legend na si Joe Morgan sa edad 77.
Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na nagkaroon ito ng sakit na polyneuropathy isang sakit na nakakaapekto sa mga ugat.
Itinuturing na isa sa pinakamagaling na 2nd baseman sa Major League Baseball.
Matapos ang kaniyang baseball career ay naging baseball broadcasting star na ito.
Nagsimula itong sumikat sa baseball mula 1963 hanggang 1984 na naglaro sa limang koponan gaya ng Houston Colts, Astros, SF Giants, Philadelphia Philies at Oakland Athletics.
Nakilala sa tagumpay sa panalo ng dalawang World Series sa “Big Red Machine” sa Cincinnati noong 1975 at 1976.
Ilan sa mga pagkilala na natanggap niya ay ang 2-time National League MVP, 10 All-Star appearance, 5 Gold Gloves at 1 Silver Slugger.
Taong 1990 ng na-induct itong Baseball Hall of Fame sa Cooperstown.