-- Advertisements --

Posibleng mabili ng ilang libong dolyar ang isang baseball na pirmado ni NBA star Michael Jordan.

Ang nasabing bola ay pinirmahan ni Jordan kasama ang ilang mga ka-team mate nito sa Pakers Food Stores noong 1976 sa Babe Ruth League youth baseball team sa Wilmington, North Carolina.

Naging kampeon ang koponan ito na mayroong 11 panalo at 3 talo kaya lahat ng kaniyang team mate ay pinirmahan ang bola.

Sinasabi ng mga eksperto na ito ang unang pirma ng NBA star.

Ayon sa Goldin Auctions na may hawak ng nasabing bola na posibleng abutin ng ilang libong halaga kapag naisapubliko na nila ang nasabing auction.