-- Advertisements --
Naibenta sa halagan $4.4 milyon sa auction ang bola na tinamaan ni Los Angeles Dodger superstar Shohei Ohtani.
Ang nasabing pagtama nito ay siyang pang-50 na home run sa Major League Baseball.
Ang 30-anyos na Japanese hitter ay siyang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng baseball na nakatama ng 50 home runs at nakakumpiska ng 50 bases sa loob ng isang season.
Naganap ang nasabing record noong Setyembre 19 sa laban nila kontra Miami Marlins.
Itinuturing din na ang nasabing bola ang siyang pinakamahal na nabili sa isang auction mula sa hindi na pinangalanang buyer.
Noong 1999 kasi ay nabili ang baseball sa halagang $3-M mula sa record-breaking ball ni Mark McGwires sa 1998 MLB season.