-- Advertisements --

Pumanaw na si dating Los Angeles Dodger star Fernando Valenzuela sa edad na 63.

Inanunsiyo ito ng Major League Baseball club subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.

Ang Mexican pitcher ay naglaro ng 17 season sa MLB sa anim na clubs.

Mas nakilalal siya sa Dodgers lalo na ang naging papel niya noong 1981 ng talunin nila ang New York Yankees sa World Series.

Isinilang siya sa Etchohuaquila, Sonora, Mexico kung saan bunso ito sa 12 na magkakapatid.

Nagsimula siya sa Major League sa edad na 19 sa koponan ng Dodgers noong Setyembre 1980.

Nagpaabot naman ang mga kapwa baseball players matapos na mabalitaan ang nasabing pagpanaw ni Valenzuela.