-- Advertisements --

Pumirma na ng kontrata sa NLEX Road Warriors si Baser Amer.

Sa mga larawang ibinahagi ng koponan sa kanilang social media account ay makikita ang pagpirma nito ng kontrata.

Hindi na binanggit pa ng koponan ang mga detalye na nakalagay sa nasabing kontrata.

Isinagawa ang pirmahan sa Inspire Sports Academy sa Laguna kung saan isinasagwa ng koponan ang kanilang team building.

Nanguna sa pirmahan sina board of governor Ronald Dulatre, team manager Larry Fonacier, coach Frankie Lim at NLEX president and general manager J. Luigi L. Bautista.

Naglaro ito ng limang laro sa Blackwater noong 2023-24 PBA Commissioner’s Cup na may average na 4.2 points, 1.2 rebounds at 0.6 assist per game.

Nakasama na siya ng NLEX sa PBA D-League kung saan nagkamit ang Road Warriors ng tatlong kampeonato.