CENTRAL MINDANAO- Sa kahilingan ng 39 Infantry Batallion Philippine Army na nakabase sa bayan ng Makilala Cotabato, isang Basic Incident Command System Training ang isinasagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa 30 na mga personahe ng militar.
Ang tatlong araw na pagsasanay ay naglalayong turuan ang mga partisipante ng basic incident command system isang standardized approach na ginagamit sa pagkontrol at pag manage ng sitwasyon lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Bilang kinatawan ni 39IB Batallion Commander Col. Ezra Balagtey, personal na nagpaabot ng pasasalamat si 1Lt Dennis Callar Cortejo kay Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa pagtugon nito sa kanilang kahilingan na magsagawa ng training sa pangunguna ng PDRRMO.
Nasa nasabi ring aktibidad si PDRRMO Head Mercedita Foronda at Sarangani Province Bureau of Fire Protection Provincial Director Supt. Lowyn G. Amoyar kinatawan mula sa Office of the Civil Defense XII at head ng course monitoring team.