Nagpahaya ng pakikiisa si House Deputy Minority Leader at Basilan Representative Mujiv Hataman sa ka-10 taong anibersaryo ng pagkakalagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Ayon kay Hataman, malaki na ipinagbago sa usaping pangkapayapaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ginawa ng mambabatas sa naging pagdalo nito sa naturang programa.
Bilang dating gobernador aniya ng nasabing lugar ay nakita niya kung paano ito lumago sa ilalim ng dating administrasyong Aquino na napahusay pa lalo sa panahon ng dating administrasyong Duterte.
Iginiit rin ng mambabatas na importansya ng gaganaping 2025 BARMM election sa rehiyon.
Sa ganitong paraan aniya ay magkakaroon ng pinuno ang rehiyon na inihalal mismo ng mga residente nito.
Ang Pangulo ng bansa lamang kasi ang nagtalaga ng mga leader ng Bangsamoro Transition Authority sa nakalipas na limang taon.
Una rito ay gaganapin sana ang halalan noong 2022 ngunit pinalawit pa ito ng Kongreso ng tatlong pang taon kayat inaasahan na matutuloy na ito sa 2025.
Punto pa ni Hataman na ang halalan na ito ay magiging sukatan ng demokrasya at kapayapaan sa rehiyon.
Magkakaroon rin aniya ng tunay na kalayaan kung ang mga taumbayan ang pipili ng kanilang mga pinuno.