Suportado ni Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman ang pagkakatalaga kay Congressman Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance.
Ito ay makaraang bakantehin ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang naturang posisyon para maging Monetary Board member ng BSP.
Ayon kay Rep. Hataman, malawak ang karanasan ni Recto na isa sa mga batayan upang pamunuan ang isang kritikal na posisyon.
Giit ng opisyal, si Sec. Recto ay isang magaling na ekonomista na ipinamalas na nito sa maraming taon.
Nagsilbi aniya si Sec. Recto bilang kongresista ng Batangas at bilang Deputy Speaker naman sa Kamara de Representantes.
Nahalal rin ito bilang Senador at hinawakan ang Senate Ways and Means Committee.
Dahil dito, kumpyansa ang mambabatas na mapa pamunuang maayos ni Sec. Recto ang buong departamento.