-- Advertisements --

Kinansela na ngayong taon ang induction ng Basketball Hall of Fame dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa organizers gaganapin na lamang ito sa darating Mayo 13-15, 2021.
Una kasing plano na gawin ito sa darating na Oktubre 2020 sa Mohegan Sun.

Ayon kay Hall of Fame president John Doleva, na dahil sa coronavirus pandemic na nararanasan ay mas minabuti nilang ilipat na lamang ang petsa.

Sa nasabing ceremony ay kasamang manunumpa ang pumanaw na si Los Angeles Lakers star Kobe Bryant, dating San Antonio Spurs star Tim Duncan, Boston Celtics star Kevin Garnett, WNBA star Tamika Catchings at two-time NBA Champion coch Rudy Tomjanovich.