Naibenta sa halagang $4.68 milyon o katumbas mahigit P235-M ang basketball jersey ni NBA legend Michael Jordan.
Ayon sa Sotheby auction sa New York na isinuot ni Jordan ang nasabing jersey sa championship season ng Chicago Bulls mula 1996 hanggang 1997.
Inaasahan na nila na hindi bababa sa $4 hanggang $6-M ang aabutin nito mula ng ianunsiyo ito noong Oktubre.
Suot ni Jordan ang jersey ng halos 17 laro lalo na noong Marso 12, 1997 noong rookie pa lamang si Allen Iverson ay nag-cross over kay Jordan na siyang isa sa mga iconic highlights.
Kadalasan kasi ay hindi na inuulit pa ni Jordan ang kaniyang mga jersey.
Bukod sa nasabing jersey ay kasama rin sa auction ang ibang mga gamit ni Jordan gaya ng puting Bulls jersey, bandila na suot nito ng makatanggap ng 1992 gold medal Olympics at warm-up top at sneakers mula noong ito ay naglalaro pa sa University of North Carolina.