-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $5.8 milyon sa isang auction ang basketball jersey ng namayapang si Kobe Bryant.
Ayon sa Sotheby auction na ang jersey ay suot ng Los Angeles Lakers star noong 2007-2008 NBA kung saan tinanghal siya bilang Most Valuable Player (MVP).
Ito lamang aniya ang taon kung saan niya nakuha ang award.
Isinuot ni Bryant ang jersey ng 25 laro sa 2007-2008 na mayroon siyang average na 28.3 points, 6.3 rebounds at 5.4 na assists na dinala ang koponan sa kampeonato.
Ito na rin ang pangalawang pinakamahalagang basketball jersey na naibenta sa auction.
Magugunitang kamakailan ay naibenta ang 2013 Game 7 NBA finals na jersey ni LeBron James sa halagan $3.7 million.