-- Advertisements --

Nakatakda umanong ilunsad ng Philippine Postal Corp. (PhilPost) sa darating na October 16 ang unang-stamp ng basketball legend na si Robert Jaworski.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng ika-75 anibersaryo nang unang inilabas na stamp sa Pilipinas.

Ang stamp ni Jawo ang kauna-unahang feature na isang basketball player sa bansa.

Bibigyang pugay sa naturang stamp ng PhilPost ang tinaguriang “never say die spirit” ng isa sa pinakapopular na team na Barangay Ginebra.

Matapos ang paglalabas ng limited stamp ukol kay Jawo, susundan din ito ng iba pang mga living legends sa bansa.

Samantala, todo pasalamat naman ang pamilya Jaworski sa PhilPost sa pagbibigay pugay kay Big J sa kauna-unahang basketball stamp.