Sinisi ng Chinese superstar at NBA legend na si Yao Ming ang sarili sa nakakadismayang performance ng Chinese national team na tuluyang nalaglag sa nagpapatuloy na FIBA World Cup.
Liban dito, nabigo rin ang host China na mag-qualify para sa 2020 Tokyo Olympics.
Una rito, nasilat kahapon ang China ng bansang Nigeria sa classification round nang talunin sa score na 86-73.
Para sa mga observers, “shocking” ang kinahinatnan ng China na bumagsak din sa Last 16 sa group stage ng prestihiyosong torneyo nang hindi rin umubra sa Poland at sa Venezuela.
Si Ming na presidente rin ng Chinese Basketball Association ay natanong ng mga mamamahayag kung sino ang dapat sisihin sa “poor performance” ng China.
Itinuro nito ang kanyang sarili at saka nag-walkout.
Kung maalala si Ming ay naglaro sa Houston Rockets noong kanyang kabataan pa na naging daan upang lalong maging popolar ang basketball sa China.