-- Advertisements --
David stern
Ex-NBA commissioner David Stern

Kanya-kanya nang pagpapaabot ng mga well wishes at panalangin ang maraming mga basketball stars para sa agarang paggaling ng dating naging longtime NBA commissioner na si David Stern na dumanas ng brain hemorrhage.

Si Stern na sumailalim sa emergency surgery, ay kinikilala ang naging papel nito upang lalong lumakas at lumawak pa ang National Basketball Association o NBA.

Agad na naglabas ng statement ang NBA upang kumpirmahin ang kalagayan ng 77-anyos na Commissioner Emeritus.

Hindi pa naman nabanggit ang buong detalye sa kalagayan ni Stern.

“NBA Commissioner Emeritus David Stern suffered a sudden brain hemorrhage earlier today for which he underwent emergency surgery,” bahagi ng NBA statement. “Our thoughts and prayers are with David and his family.”

Sinasabing ang New York fire department ay nagresponde nang makatanggap ng 911 call sa Midtown restaurant (1:59 p.m. ET). Isinugod ng mga fire officials si Stern sa Mount Sinai West medical center.

Ipinarating din ng NBA Hall of Famer at legend na si Magic Johnson ang panalangin kasama ang kanyang pamilya.

Ilan naman sa mga coach na nabahala rin sa kalagayan ni Stern ay ang Mavs coach na si Rick Carlisle.

Si Stern ay una nang nailuklok sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame noong taong 2014.