-- Advertisements --

BANGKOK – Papahintulutan umano na makalahok sa susunod na edisyon ng Asian Games ang mga basketball, volleyball at soccer players mula sa Australia at iba pang mga bansa sa Oceania.

Kinumpirma ng Olympic Council of Asia ang nasabing development matapos ang kanilang general assembly nitong weekend.

Ayon kay Australian Olympic Committee president John Coates, matagal na raw nitong isinusulong ang pagkakasali nila sa naturang quadrennial event.

“There’s a cap of 10,000 athletes for these games so there will need to be some decisions made along the way about which Australian men’s and women’s team will compete, but the critical thing is our place is confirmed for Hangzhou 2022 and that’s a very positive outcome for us,” wika ni Coates.

Noong 2002 nang payagan ang mga Australian athletes na makapaglaro sa East Asian Games sa Osaka, Japan, ngunit hindi sila maaaring makakuha ng medalya.

Nitong nakaraan naman nag imbitahan ang mga Oceania athletes na sumabak sa Asian Winter Games at Asian Indoor and Martial Arts Games.