-- Advertisements --

Humiwalay na sa bandang Lola Amour ang bassist nila na si Raymond King.

Sa social media account nito isinagawa niya ang pag-alis sa banda matapos ang walong taon.

Sinabi nito na may pang-matagalang plano ito buhay at hindi kasama sa plano ang banda.

Dagdag pa nito na mas pinili niyang maging masaya dahil magkaiba ang tinatahak ng buhay niya ngayon.

Labis ito ng nagpapasalamata sa banda dahil naabot nito ang kaniyang pangarap.

Papalit naman sa kaniyang puwesto bilang bassist ng banda si Manu Dumayas.

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe ay inimbitahan niya ang mga fans na manood sa album launching ng banda sa Abril 13 sa Circuit Makati Concert Grounds.