-- Advertisements --
Pumanaw na ang Filipino rock band bassist na si Mon Legaspi sa edad 54.
Kinumpirma ito ng kaniyang dating asawa na si Thelma Bowlen na inatake ito sa puso habang nasa US.
Kuwento nito na nagkakilala sila noong nasa kolehiyo noong 1986 at pagkatapos ng tatlong taon ay ikinasal sila na mayroong isang anak na babae.
Nagbigay din ng kanilang pakikiramay ang dating banda nito na The Dawn.
Bukod sa bandang The Dawn ay naging miyembro din ito ng 90’s band na Wolfgang.
Nagpost ang drummer ng Wolfgang na si Wolf Gemora ng lyrics ng kantang “Halik Ni Hudas” na isinulat ni Legazpi.