DAVAO CITY – Naghain nang kanyang withdrawal para sa kanyang reelection bid sa pagka-vice mayor ang presidential son na si Sebastian “Baste” Duterte nitong umaga ng Martes.
Base sa impormasyon, pinayuhan umano ito ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Samantala na-nominate naman ni Baste na papalit sa kanyang kandidatura si Atty. Melchor Quitain Jr.
Kung maalala, tanging si Baste lamang ang kumandito bilang bise alkalde sa lungsod para sa 2022 national and local elections.
“I have filed my withdrawal as vice mayor candidate of Davao City,” ani Vice Mayor Duterte sa statement na hindi na inilagay ang dahilan nang kanyang pagbawi sa kanyang COC. “I am deeply grateful to the Dabawenyo for the support they have given me all this time.”
Nabatid na matunog na naman ngayon ang pangalan ni Mayor Inday na posibleng kakandidato sa mas mataas na posisyon bago ang Comelec deadline ng substitution sa November 15, 2021 at ang posibleng pag-atras din nito sa mayoralty race sa lungsod.