-- Advertisements --
Ibinunyag ni Wolfgang lead vocalist na si Basti Artadi ang maliit na porsyentong nais na ibigay sa kanila ng record label para sa 30-year-old contract.
Ayon singer na hindi nito nagustuhan ang hirit ng Ivory Music at Vicor Music na makakakuha lamang sila ng P2.40 na royalty kada P1,900 na halaga ng record.
Dagdag pa nito na makailang beses na nila tinawagan ang record label subalit negatibo pa rin ang kanilang nakukuhang tugon.
Una ng sinabi ng singer na maglalabas sila ng bagong album kasabay ng kanilang ika-30 anibersaryo sa 2025.