Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang American national dahil sa bastos nitong pag-uugali at paglalagay ng mali at walang kabuluhang detalye sa e-travel system.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang amerikano ay kinilalang si Anthony Joseph Laurence, 34 anyos.
Dumating si Laurence sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng isang flight mula Bangkok Thailand.
Batay sa report, hinamak at minaliit umano ni Laurence ang primary inspector ng pinaalalahanan ito tungkol sa kanyang e-travel online form.
Inihagis umano ng amerikano ang kanyang pasaporte at cellphone ng ibalik ito ng immigration officer.
Matapos kasi ang ginagawang berepikasyon ng immigration officer sa kanilang system , natuklasan nila na naglagay umano ang subject ng made-up o gawa-gawang address dito sa Pilipinas at hindi kabilang ang kanyang pangalan pati na ang paglalagay ng mga bastos na mga salita.
Ang eTravel System ay dinisenyo kapalit ng dating arrival at departure card.
Layunin nitong i streamline atv mapahusay ang proseso ng immigration sa mga international airport.
Dismayado naman si Tansingco sa naturang insedete kasabay ng babala sa sinumang sisira sa intergerdad ng etravel.
Kaagad namang pinasakay ang subject sa isang flight pabalik ng kanyang pinanggalingan at inilagay ang kanyang pangalan sa Blaslist ng ahensya.