-- Advertisements --
Naglunsad ang Barangay Sto. Nino sa Quezon City ng programa kung saan maaaring ipalit ng mga residente ang isang kilong plastic katumbas ng isang kilong isda.
Kabilang sa mga waste materials na tinatanggap ng barangay ay mga plastic wares at junk food wrappers na layuning mabawasan ang basurang nagiging dahilan ng pagbara ng mga kanal sa lugar.
Kabilang sa mga isdang ipinangpapalit sa mga basura ay ang pampano, salmon, at galunggong.
Ang naiipong plastic ng barangay ay ibinebenta sa mga junk shop at sa trash-to-cash program ng lokal na gobyerno ng Quezon City.
Inaasahan naman sa mga susunod na Linggo ang pagbibigay ng bigas kapalit ng basura upang matugunan ang kakulangan ng pagkain ng ibang mga residente.