CAGAYAN DE ORO CITY – Nailabas na sa Mindanao Container Terminal (MCT) ang aabot sa 162 toneladang “assorted electronic accessories†mula sa Hong Kong.
Sinaksihan ng environmental group na EcoWaste Coalition ang simpleng seremonya kung saan bitbit nila ang kanilang placards at streamers na nagsasabing “hindi dumping site ang Pilipinas.”
Nakita ng Chinese Navy at kapitan ng barkong SITC Nagoya ang aabot sa 100 raleyista at napakinggan ang kanilang mga daing.
Sumaksi rin sina Atty. Floro Calixihan na nagsilbing district collector ng Bureau of Customs (BOC) MCT collector John Simon, gayundin ang Department of Environment and Natural Resources– Environmental Management Bureau regional director na si Rey Digamon, at si Aileen Lucero na tumatayong national coordinator of EcoWaste Coalition.
Kaugnay nito, susunod na target ng BOC ang re-exportation ng mga basura mula Australia.
Kung maaalala, dumating sa bansa ang electronic waste ng Hong Kong noong Enero 2019 at Pebrero lamang tuluyang nadiskobre ng BOC.