Ipapadala na rin sa Hong Kong ang basurang ipinasok sa Pilipinas na natuklasang electronic waste.
Ayon kay Bureau of Customs (BoC) Collector John Simon, alas-9:00 ng umaga sa Lunes ikakarga ang container van na naglalaman ng mga basura.
Una rito, tumulak na nitong Biyernes ng umaga ang MV Bavaria na kinalululanan ng 1,400 tonelada ng toxic waste ng Canada na limang taon nang narito sa ating bansa.
Tiniyak naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi nila lulubayan ang isyu ng mga imported na basura, hangga’t hindi ito naisasauli sa mga pinagmulan.
Ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda sa panayam ng Bombo Radyo, sinisikap na nilang makompleto ang proseso, kasabay ng paghihigpit sa pagpapapasok ng mga kargamento sa mga pantalan.