CENTRAL MINDANAO-Naalarma ang taumbayan at mga lokal na opisyal ng probinsya ng Cotabato sa batang naglalaro ng makamandag na cobra.
Nagviral sa social media ang anim na taong gulang na bata na naglalaro ng ahas (cobra) sa Barangay La Esperanza Tulunan North Cotabato.
Ang ama ng paslit ay kilalang nanghuhuli ng ibat-ibang uri ng ahas.
May gamot umano ito laban sa kagat ng cobra na posibling namana ng anak.
Pinagkaguluhan ng mga kapitbahay habang dala-dala ng bata ang cobra na nahuli ng ama,kinagat ito ng ahas ngunit hindi tinablan.
Kita ng ilang mga kapitbahay nang akma nang kagatin ng ahas ang bata ay pinitik nito ang ulo ng cobra at nanghina.
Tumutulong umano ang paslit sa panghuhuli ng ahas sa ama.
Binibenta nila ang huling ahas at ang iba ay niluluto,kinain ng pamilya at pulutan sa inuman.
Nagsagawa naman ng imbestigasyon ang LGU-Tulunan dahil dilikado umano ito sa kalagayan ng bata at mahigpit na pinagbabawal ng DENR ang panghuhuli ng ahas.