-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay na nang matagpuan ang isang bata sa ilog ng Barangay Kalanganan 2, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Marissa Sabpa Ayob residente ng Brgy Matilak Mother Kabuntalan Maguindanao

Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Mother Kabuntalan, nangyari ang naturang insidente habang naglalaba ang ina ng biktima sa ilog ng kanilang barangay at hindi nito namalayan na gumapang pala ang bata sa gilid ng Rio Grande de Mindanao.

Dakong alas 7:05 nitong Martes ng gabi nang makita ng mga residente ng Brgy Kalanganan 2 sa Cotabato City ang biktima na palutang-lutang sa ilog.

Kinumpirma naman ng MDRRMO-Mother Kabuntalan at nang pamilya ng biktima na si Marissa ang natagpuang bata sa naturang ilog.

Magdiriwang sana ng kanyang ikalawang kaarawan ang biktima ngayong darating na July 26, 2020.

Inilibing agad ang bata alinsunod sa tradisyon ng relihiyong Islam.