-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Namatay ang isang taong gulang na bata makaraang malunod sa irrigation canal malapit sa kanilang tahanan sa Namnama, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Angel Faith Sinampaga.

Ayon sa ina ng bata na si Lara May Sinampaga, iniwan niya ang kanyang anak sa labas ng kanilang bahay na naglalaro upang magpakain ng kanilang baboy.

Makalipas aniya ang isang oras ay bumalik siya sa kinaroroonan ng naglalarong anak subalit hindi na niya nakita.

Hinanap niya ang bata at nakitang nalunod na sa irrigational canal malapit sa kanilang bahay.

Sinubukang i-revive ang katawan ng bata ngunit hindi na ito nagawang mailigtas pa.