-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Tanggap na umano ng pamilya ng 8 yrs. old na binatilyo ang nangyari dito matapos aksidenteng matamaan sa jolen o marble gun ng kanyang sariling ama sa Maitum, Sarangani province.
Una nang kinilala ni Police Major Rodel Javison, hepe ng Maitum Municipal Police Station, ang biktima na si Jason Taping, residente ng Barangay Batian, Maitum.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nalaman na aksidente umanong natumba ang “jolen gun” mula sa kinalalagyan nito kaya pumutok at natamaan sa dibdib ang bata.
Labis man ang paghihinagpis, ngunit maaaring hindi na umano magsasampa pa ng kaso ang ina ng biktima sa kanyang mister na si Macho Taping.