NAGA CITY – Patay ang isang bata matapos na malunod sa kasgsagan ng malakas na pag-uulan at pagbaha sa Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na isang lalaki, isa at kalahating taong gulang, at residente nang nasabing lugar.
Ayon kay Rowel Tormes, MDRRMO Chief kan Libmanan, Camarines Sur, base sa mga impormasyon, katabi umano ng bata ang ina at lola nito sa higaan.
Ngunit, dahil umano sa labis na kapaguran napatulog ang ina ng biktima at ng magising ay wala na ang anak sa kanyang tabi.
Dito na nila nakita na nahulog na pala ang bata sa tubig-baha na hanggang tuhod na ang taas na naging dahilan ng kamatayan nito.
Posible umano na gumalaw ang bata habang natutulog dahilang upang mahulog ito sa tubig.
Agad naman sanang dinala sa ospital ang bata subalit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.