-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Patay ang isang bata matapos na masunog ang kanilang tinitirahang bahay sa P-4 Barangay Dagum, lungsod ng Calbayog, Samar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng biktima at kumalat sa mga katabing bahay.
Napag-alaman na ang naturang bata ay may problema umano sa pag-iisip.
Tinataya namang aabot sa mahigit P1.3-milyon ang naitalang danyos sa nangyaring sunog.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kung paano nagsimula ang naturang sunog.