-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang apat na taong gulang na bata matapos nabundol ng sasakyan na minamaneho ng isang konsehal.

Nangyari ang insidente sa Anoring, Sara, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Isagani Tabares, deputy chief of police ng Sara Municipal Police Station, sinabi nito na nagmula sa lloilo City si San Dionisio, Iloilo SB Member Roger Neil Lopez at papauwi na sana nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay BaƱares, bigla na lang a tumawid sa daan ang biktima dahilan upang mabundol ito.

Anya, pumailalim sa sasakyan ang biktima kung saan nagtamo ito ng sugat sa ulo na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Ikinustodiya naman ng mga otoridad ang konsehal sa Sara Municipal Police Station.