-- Advertisements --
Binawian ng buhay ang isang bata sa sumiklab na sunog sa bahagi ng San Andres, Maynila.
Nag-umpisa ang sunog pasado alas-9:00 ng umaga kanina sa bahagi ng Diamante Street.
Umabot lang sa 1st alarm ang sunog at naideklarang fire out bandang alas-10:30 ng umaga.
Nang maapula ang apoy, tumambad sa mga bumbero ang wala nang buhay na batang lalaki na edad 12-anyos.
Sinasabing na-trap sa nasunog na bahay ang naturang bata.
Patuloy pa sa kasalukuyan ang imbestigasyon sa kung ano ang pinagmulan ng apoy.