-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nagdadalamhati ngayon ang pamilya ng isang 11-anyos na batang lalaki matapos mapatay sa kagat ng cobra sa Purok 3, Brgy. Pitogo, sa bayan ng Jabonga, lalawigan ng Agusan Del Norte.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Butuan, naglalaro kahapon sa damuhang bahagi ang biktimang si Barry Dexter Lumuctad, nang ito ay kagatin ng cobra sa kanyang paa kung.
Kaagad naman itong dinala sa Agusan del Norte Provincial Hospital pero binawian ito ng buhay makaraang bumula ang kanyang bibig kahit pa nalapatan ng lunas.