-- Advertisements --
Nagtala ng kasaysayan sa chess ang walong-anyos na batang lalaki matapos talunin ang isang grandmaster.
Si Ashwath Kaushik na walong-taon, anim na buwan at 11 na araw ang edad ay tinalo si Jacek Stopa ng Poland sa classical tournament game.
Ang Singaporean na batang lalaki ay nakuha ang pinakamabatang chess player na nakatalo sa grandmaster sa loob ng round four ng Burgdorfer Stadthaus sa Switzerland.
Tinalo nito ang nakaraang may hawak na record na si Leonid Ivanovic ng Serbia noong nakaraang buwan na may edad walo dahil sa mas bata si Ashwath ng limang buwan.
Isinilang sa India noong 2015 at nakilala na sa larangan ng chess dahil sa nanalo ito sa mga youth tournaments sa iba’t-ibang panig ng mundo.