-- Advertisements --

Kaagad na naitakbo sa pinaka malapit na ospital ang 3-taong gulang na bata sa Evansville, Indiana matapos nitong mahulog sa imburnal na may lalim na 30ft.

Sa ibinahaging video ng Evansvile authorities, makikita ang unti-unting pagdating ng mga emergency personnel upang rumesponde sa bata.

Hindi pa rin tukoy ng mga otoridad ang tunay na dahilan sa likod ng insidente.

Inaalam din ng mga ito kung mayroon bang medical condition ang bata.