-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sugatan ang isang menor de edad nang mabagsakan ng puno ng niyog ang kanilang bahay sa probinsya ng Cotabato.

Ang biktima ay residente ng Purok 7A, Barangay Sibsib, Tulunan,Cotabato.

Ayon sa mga kapitbahay na bumuhos ang ulan kasabay ng malakas na hangin.

Bigla umanong natumba ang isang puno ng niyog at doon bumagsak sa tahanan ng pamilya Penuela.

Naipit sa puno ng niyog ang biktima at agad tinulungan ng mga residente.

Dinala ang bata sa pagamutan at nasa ligtas ng kalagayan.