-- Advertisements --
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa bagyong Fabian.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 515 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
May dala itong lakas ng hangin ng hnaggang 150 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 185 kph.
Patuloy din aniya ng makakaranas ng mga pag-ulan ang bahagi ng CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.
Patuloy din ang pagbabala ng PAGASA na mapanganib pa rin ang paglayag sa mga karagatan dahil sa taas ng alon mula sa karagatan.
Inaasahan na makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Fabian sa Biyernes ng gabi o madaling araw ng Sabado.