Itinaas sa Tropical cyclone wind signal number 1 ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa bagyong Fabian.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 575 kilometers ng Itbayat, Batanes na mayroong lakas na 150 kph at pagbugso ng 185 kph.
Tinatahak nito ang timog kanlurang bahagi ng bansa na may bilis ng 15 kph kung saan may paglakas ang hangi ng hanggang 640 km.
Inaasahan na makakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Fabian sa Biyernes ng gabi o hanggang Sabado ng umaga.
Nagbabala ang pag-asa ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa gaya sa Metro Manila, Oriental Mindoro, Palawan kabilang ang Calamian at Kalayaan Islands, Bulacan, Batangas, Cavite, Pampanga, Tarlac, Bataan, Zambales, Benguet, Abra at Ilocos Region.
Mapanganib pa rin aniya ang paglayag sa karagatan dahil sa posibleng pagtaas ng tubig at lakas ng hangin.