-- Advertisements --
Nakataas na ang tropical cyclone signal number one sa Batanes at Babuyan Group of Islands dahil sa bagyong Egay.
Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 195 km silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan o 205 km silangan ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 40 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 60 kph.
Babala ng Pagasa, bagama’t hindi na tatama ng direkta sa lupa ang nasabing bagyo, palalakasin naman nito ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa malaking parte ng Luzon at bahagyang pag-ulan sa Visayas.