-- Advertisements --

Nagdeklara na ng state of calamity ang mga probinsyan ng Batanes at Ilocos Norte dahil sa pananalasa ng bagyong Julian.

Sinabi ni Batanes Governor Marilou Cayco na maraming mga lugar ang nabaha at mga pananim ang nasira dahil sa tagal ng pananatili ng bagyo.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon na nakaranas sila ng nasabing matinding pagbaha at pag-ulan.

Nasira naman ang ilang mga kalsada at tulay sa Ilocos Norte bunsod ng ilang araw na pag-ulan dahil sa nasabing bagyo.