Nagdeklara na ng state of calamity sa lalawigan ng Batanes dahil sa malawak na pinsalang idinulot ng pananalasa ng bagyong Julian.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Maangement Council-Emergency Operations, nasa 172 pamilya ang na-displace at mahigit 1,000 kabahayan ang nawasak o bahagyang napinsala.
Pumalo naman sa P611 million ang pinsala sa mga ari-arian sa lalawigan.
Ang deklarasyon ng state of calamity sa probinsiya ay magbibigay daan sa provincial government para gamitin ang quick response fund nito para bilisan ang pagpapatupad ng disaster response at recovery measures.
Samantala, nahatiran na ang mga sinalantang pamilya ng mga family food packs mula sa pamahalaan. Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang relief operations sa ibang mga bayan sa Batanes.