-- Advertisements --

Ibinandera na ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa lalawigan ng Batanes dahil sa patuloy na paglakas ng Super Typhoon Leon.

Inaasahang lalakas pa ito habang kumikilos pa hilagang kanluran sa katubigang sakop ng Silangang bahagi ng Philippine Sea.

Batay sa datos ng Bombo Weather Center, huling namataan ang sentro ng Super Typhoon Leon sa layong 215 km East Southeast of Basco, Batanes.

Bahagyang bumilis ang pagkilos nito pa hilagang kanluran sa bilis na 20km/h.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na umaabot na sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot na sa 230 km/h.

Dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong Leon sa bahagi ng Extreme Northern Luzon ay itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa lalawigan ng Batanes.

Sa ilalim ng wind signal na ito ay asahan na ang malalakas na buhos ng ulan at pagbayo ng malakas na hangin.

Pinapayuhan naman ang publiko na malapit sa mga landslides at flood prone areas na lumikas na sa ligtas na lugar kung kinakailangan.

Nakabandera naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa Eastern portion ng Babuyan Islands at northeastern portion of mainland Cagayan .

Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 naman ang umiiral ngayon sa nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern portion of Isabela , Apayao, Kalinga, northern and eastern portions ng Abra , eastern portion of Mountain Province at Ilocos Norte.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No.1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, at northeastern portion of Tarlac

Patuloy na gagalaw ang bagyo pa hilagang kanlurang direksyon sa karagatang sakop ng bansa hanggang maglandfall ito sa eastern coast ng Taiwan bukas ng hapon.

Tatawirin ni Leon ang landmass ng Taiwan bago tuluyang lumabas sa PAR bukas ng gabi o Biyernes ng umaga.

Lalapit naman ang bagyo sa lalawigan ng Batanes mamayang gabi o bukas ng madaling araw at hindi rin inaalis na magbago ang direksyon nito at maglandfall sa naturang lalawigan.