-- Advertisements --
image 364

Nakatakdang magpataw ng liquor ban sa lalawigan si Batanes Governor Marilou Cayco sa Linggo bilang bahagi ng paghahanda sa Bagyong Betty (international name: Mawar).

Sinuri din Cayco ang mga food packs na ipapamahagi sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng bagyo.

Iniutos niya rin na tanggaling ang isang tatak ng delatang tuna dahil may mga feedback na ito ay maalat at “malansa”.

Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na papalitan nito ag de-latang tuna.

Ayon pa kay Cayco 6,000 family foodpacks ang naipamahagi na sa anim na munisipalidad at 800 family food packs pa ang naka-standby sa provincial office.